^

Police Metro

Sa pagtaas ng rice inflation SRP sa bigas, ‘di irerekomenda ng DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sa pagtaas ng rice inflation SRP sa bigas, �di irerekomenda ng DA
Noong nagdaang taon, nagpalabas ng Executive Order 39 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mandated na SRP na P41 kada kilo ng regular-milled rice at P45 kada kilo ng well-milled rice pero itinigil din ang pagpapatupad nito dahil nagpatuloy naman ang pagtaas ng presyo ng bigas hanggang ngayong taon.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Walang plano ang Department of Agriculture (DA) na irekomenda na maipatupad ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa bigas kahit na may bahagyang pagtaas ang inflation.

Ito ayon kay Agriculture spokesperson Arnel de Mesa, ay dahil sa may matinding epekto ang paglalagay ng SRP sa bigas pagdating ng panahon.

Noong nagdaang taon, nagpalabas ng Executive Order 39 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mandated na SRP na P41 kada kilo ng regular-milled rice at P45 kada kilo ng well-milled rice pero itinigil din ang pagpapatupad nito dahil nagpatuloy naman ang pagtaas ng presyo ng bigas hanggang ngayong taon.

Una rito, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tataas ang inflation sa bigas hanggang Hulyo pero manonorma­lisa pagsapit ng buwan ng Agosto.

Gayunman, sinabi ni De Mesa na gumagawa ng paraan ang ahensiya upang mapababa ang cost of rice production tulad ng ginagawa ng mga karatig bansa na magi­ging daan na mapababa ang halaga ng bigas sa pamilihan.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with