^

Police Metro

Countermeasures ikinasa ng AFP laban sa tumitinding harassment ng China sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pang-masa
Countermeasures ikinasa ng AFP laban sa tumitinding harassment ng China sa West Philippine Sea
Members of the Philippine Army celebrate their 127th founding anniversary at the Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell in Capas, Tarlac on March 22, 2024.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Isang countermeasures ang inihahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa tumitinding kapangahasan o harassment at pambu-bully ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na hindi mababahag ang AFP para ipagpatuloy ang mandato nito upang protektahan ang teritoryo ng Pilipinas partikular na ang WPS na nasasaklaw ng Exlusive Economic Zone  (EEZ) ng bansa.

Si Brawner ay nagtungo sa Puerto Princesa City, Palawan kung saan bumisita ito sa himpilan ng AFP-Western Command sa lugar para bigyang direktiba ang tropa ng militar na pangalagaan ang karapatan sa soberenya ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo.

Inihayag ni Brawner na marami silang inihandang operasyon sa WPS kabilang ang magkasamang paglalayag ng mga barko ng military kasama ang mga kaalyadong bansa sa lugar.

Ang Estados Unidos ay nangungunang kaalyado ng Pilipinas sa ilalim ng tratado ng Mutual Defense Treaty (MDT) na pinagtibay ng dalawang bansa mahigit 70 taon na ang nakalilipas.

Gayunman, tumanggi si Brawner na idetalye ang countermeasures na kanilang ikinakasa dahilan sa confidentiality ng operasyon upang hindi ito mabulilyaso.

Binigyang diin ni Brawner na ang tinitiyak lamang niya sa mga Pilipino ay ginagawa ng AFP ang mandato nito sa pagbibigay proteksiyon sa teritoryo ng bansa.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with