^

Police Metro

Torso ng lalaking natagpuan sa CALAX, kilala na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t walang ulo at iba pang parte ng katawan, natukoy na taga-Quezon City ang natagpuang torso sa bahagi ng daluyan ng tubig sa Cavite-Laguna Expressway sa Silang, Cavite.

Nabatid na kinilala na ng kanyang mga kamag- anak ang 23-anyos na biktima dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Dalawang linggo nang pinaghahanap ng kanyang pamilya ang biktima hanggang sa mabalitaan na lamang nila na itinapon ito sa CALAX.

Batay naman sa report na tinanggap ni Silang Police Chief Police Lieutenant Louie Gonzaga, may tatlong saksak sa katawan ang biktima.

Malinis din ang pag­hiwa sa bahagi ng katawan nito kung saan pinag­hahanap pa ang ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, lumi­litaw na dating nasangkot tungkol sa kaso ng ilegal na droga ang biktima.

“Ang recollection ng live in partner, March 3 sila last nagkita. Nung hapon, at around 12 pm, nagpunta sa bahay ng isang kakilala. Inihatid itong si victim ng ka­kilala niya doon sa kalapit na lugar. According to the family, sinamahan siya ng tatlong tao,” ani Gonzaga.

Nagsasagawa ng backtracking sa mga CCTV footage ang pulis sa ilang lugar para hana­pin ang iba pang parte ng katawan ng biktima.

Tutulong na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil dati na ring may nakitang putol na bahagi ng katawan sa Carmona, Cavite na isa namang Chinese national nito lang nakaraang buwan at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), dahil ayon sa magulang ng biktima, may anggulo na nagtrabaho ang biktima sa mga POGO hubs dito sa Metro Manila.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with