^

Police Metro

3 sakay ng motor todas sa jeep

Cristina Timbang - Pang-masa
3 sakay ng motor todas sa jeep
File photo of motorcycle accident.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Tatlong katao na sakay ng motorsiklo ang nasawi kabilang ang isang aktibong miyembro ng Phi­li­ppine Marine matapos na araruhin sila ng isang pampasaherong jeep na nag-overtake, naganap kamakalawa sa highway na sakop ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.

Namatay agad ang mga biktima na kinilalang sina alyas Jun, 38, miyembro ng  Phil. Marine at nakadestino sa Force Reconnaissance, Maritime Base Gregorio Lim na minamaneho ang Suzuki Smash, kulay itim at may temporary plate number na 01-0482541; alyas Gabriel, 54, golf crew, residente ng Brgy. Pinagsanjan B, Maragondon, Cavite at ang angkas na si  alyas Teng, 40, residente ng Brgy. Sapang 1 ng nasabing bayan.

Nasugatan naman ang 15 katao na sakay ng pampasaherong jeep kabilang ang driver na si alyas Justin, 57, na dinala sa mga ospital.

Sa ulat, ng pulisya, bago naganap ang sakuna, alas-6:45 ng gabi ay galing sa beach outing ang pampasaherong jeep (DXY-982) pauwi na sa Maynila.

Mabilis umanong nag-overtake ito sa kotse na nasa unahan at nawalan ng kontrol dahilan para bumaliktad at nasapol ang paparating na dalawang motorsiklo na kinalululanan ng mga nasawi.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with