^

Police Metro

19 motor at sasakyang kinarnap, narekober - QCPD

Doris Franche-Borja - Pang-masa
19 motor at sasakyang kinarnap, narekober - QCPD
Iprinisinta ni QCPD District Director PBGen. Redrico Maranan, kasama ang QCPD Anti-Carnapping Unit sa mga mamamahayag ang 12 sasakyan at 7 motorsiklo na narekober sa mga police operations laban sa grupo ng mga karnaper na kung saan 3 miyembro ng grupo ang naaresto.
Ryan Baldemor

3 carnapping syndicates nalansag

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Que­zon City Police District ang nasa 19 na sasakyan at mga motorsiklong narekober nito sa pinaigting na anti-canapping operations sa lungsod.

Ayon kay QCPD Chief PBGen. Red Maranan, karamihan sa mga ito ay biktima ng rent-tangay modus.

Sa pangunguna ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ay tatlong carnappjng syndicates rin ang nalansag ng QCPD kabilang ang Casiano Group, Jasareno Group at  Mamac Group habang nabawi ang 5 sedan, 6 na SUV, 1 pick up at 7 motorsiklo at lumilitaw na  karamihan ay biktima ng rent-tangay modus.

Nag-ugat ang operasyon sa aniya’y naging magkakasunod na kaso ng mga rent-tangay modus sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Chief PBGen. Maranan, sa ilalim ng modus na ito ay kadalasang nagpapanggap na customer ang mga suspek at nagpiprisinta ng mga pekeng dokumento para rentahan ang sasakyan na kalaunan ay tatangayin na.

Ilan pa nga sa mga narekober na sasakyan ang ‘tampered’ na at muntikan nang maibenta.

Muling nagpaalala si PBGen. Maranan sa mga nagnenegosyo ng car rental na maging metikuloso sa mga katransaks­yon nang hindi mabiktima ng natu­rang modus.

Tiyakin din aniyang may mga tracking device ang sasakyan para agad itong matunton kahit na matangay.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with