^

Police Metro

9-anyos ni-rape/slay ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 9-anyos na batang babae na puno ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at posibleng nagahasa nitong Lunes sa Guagua, Pampanga.

Ayon kay Guagua Municipal Police Station chief PLt.Col. Arnel Sagun, nangyari ang krimen, alas-7:51 ng gabi nitong Lunes sa Brgy. Sto. Cristo, Guagua, Pampanga.

Inaresto naman ang suspek na si Feliciano Orallo, 50-anyos na kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, nakita sa CCTV na nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang ina upang humingi ng pambaon para sa kinabukasang pagpasok sa paaralan dahil nakatira ito sa kanyang tiyahin.

Sinabi ni Sagun na hindi na nakita sa CCTV ang paglabas ng bata sa lugar hanggang sa makita na itong bangkay kinabukasan.

May mga pasa sa buong katawan at marka ng sakal ang katawan ng biktima na pinaniniwalaang ginahasa rin.

Sinabi pa ni Sagun na batay sa impormasyon mula sa barangay, may mga dati na rin umanong insidente na nasangkot ang suspek sa pambabatos sa mga babae, at gumagamit din umano ng ilegal na droga.

Bagama’t inaamin na gumagamit siya ng ilegal na droga, itinanggi naman niya ang akusasyon na siya ang pumatay sa bata.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with