^

Police Metro

Mga residente ng CDO makakaasa ng mataas na kalidad ng tubig - COBI

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang ambag para sa mga residente ng Cagayan De Oro City ay nagbigay ng katiyakan ang Cagayan de Oro Bulk Water Inc. (COBI) nang tuluy-tuloy na pagbibigay ng mahahalagang serbisyo at pagpapanatili sa mataas na kalidad ng tubig.

Kaya naman ay  pinaalalahanan ng COBI ang Cagayan de Oro City Water District (COWD) na unahin ang kanilang pagbabayad ng mga buwanang invoice at pagsunod sa mga obligasyon bilang kontraktuwal sa interes na mapanatili ang pagkakaloob ng malinis na tubig para sa kapakanan ng mga residente at mga nagnenegosyo sa Cagayan de Oro City.

Ang paalala ng COBI ay isang indikasyon nang matinding pagkabahala dahil laging naaantala at tila winawalang-bahala umano ang obligasyon ng COWD bilang cooperative partnership para sa serbisyong pagkakaloob ng malinis o safe and reliable water sa kanilang lungsod.

Ang COBI na siyang main supplier ng treated water sa COWD ay nag-imporma sa Cagayan de Oro City Government hinggil sa unpaid water bills na P430 milyon ng COWD at ito ay ikalawang disconnection notice na.

Bunsod nito, si Cagayan de Oro City Mayor Rolando Uy ay bumuo ng task force na pamumunuan ni Councilor Edgar Cabanlas para imbestigahan ang transaction sa pagitan ng COBI at COWD, na aniya ay kailangan nang mamagitan dahil apektado na ang libong residente dahil sa epekto ng krisis sa tubig.

Nitong huling Linggo ng Pebrero ay nawalan ng tubig ang mga residente dahil pinutol ng COWD ang water supply sa may 26 na mga barangay sa lungsod hinggil sa umano’y pag-aayos sa mga broken pipe distribution system.

Kaya naging abala ang fire trucks at water tanks mula sa city hall, Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang mga private company para sa pagkakaloob ng tubig sa mga apektadong lugar.

Naibalik ang water supply sa malaking bahagi ng Cagayan de Oro nitong Marso 4, 2024.

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with