^

Police Metro

Duterte, Alvarez namumuro sa ‘sedition’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Duterte, Alvarez namumuro sa �sedition�
March 13, 2018 photo, House Speaker Pantaleon Alvarez speaks with reporters together with President Rodrigo Duterte at the Palace.
PPD / Toto Lozano, File photo

MANILA, Philippines — Maaaring kasuhan ng sedition sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez dahil sa kanilang mga panawagan na ihiwalay na ang Min­danao sa Pilipinas.

Ito ang sinabi nina Camiguin Governor Xavier Jesus “XJ” Romualdo at ang ama na si Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo sa panukalang paghihiwalay ng Mindanao mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas na isang malinaw na sedisyon at labag sa 1987 Konstitusyon.

Binigyang-diin ng mag-ama na ang Saligang-Batas ay tuwirang nagtatanggol sa pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas, na nagbabawal ng anumang anyo ng pag­hihiwalay o paghati.

Idinagdag pa nila na ang Camiguin, isang islang probinsya sa Nort­hern Mindanao, ay mariing tututol sa plano ni Duterte na hatiin ang bansa para sa kanyang sariling interes.

Idinagdag ni Gov.Romualdo na malinaw na si Duterte at Alvarez ay naglalaro ng mapanga­nib na mga pahayag at gimik upang guluhin at hatiin ang bansa para sa kanilang sariling interes.

Kasunod nito, hinihimok ni Rep. Romualdo ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na imbestigahan at kung kinakailangan ng ebidensya simulan ang proseso ng pagsuspinde laban kay Rep. Alvarez para sa kanyang papel sa pagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with