^

Police Metro

2 lalaki patay sa pamamaril

Manny Tupas - Pang-masa

Habang nakikipag-inuman

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi sa naganap na pamamaril sa isang inuman sa Brgy. Tatalon, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Lhennard Fernandez, 24 at kapitbahay nitong si Henry Gopo, 30, kapwa residente ng Kaliraya St., nasabing barangay.

Sa ulat ng Quezon City Police District, alas-2:40 ng madaling araw ay nag-iinuman ang biktimang si Fernandez kasama ang apat na kalalakihan sa loob ng kanyang bahay nang puwersahang pumasok ang isang gunman at walang kaabug-abog na pinagbabaril sa ulo at dibdib ang biktima.

Ang ibang bala ay lumabas ng bahay at tinamaan ang natutulog na si Gopo sa sikmura.

Matapos ang pamamaril ay hindi naman sinaktan ng suspek ang mga kainuman ni Fernandez na mabilis na tumakas.

Isinugod si Fernandez ng mga kapitbahay sa Delos Santos Medical Center na kung saan ito ay idineklarang dead on arrival at si Gopo naman ay namatay habang nilalapatan ng lunas dakong alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa mga saksi na ang gunman ay nakasuot ng itim na t-shirt, maong na short pants at naka-helmet ng itim.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman at motibo nito sa pagpatay kay Fernandez.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with