^

Police Metro

2 Koreano patay sa suffocation sa sauna

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang turistang Koreano ang nasawi matapos umanong ma-suffocate habang nasa loob ng sauna room sa isang resort sa Mabini, Batangas noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Major Arwin Baby Caimbon, Mabini Chief of Police ang mga nasawing biktima na sina Sun Tae Kim, 67 at Yun Seok Seo, 63 na kapwa idineklarang dead on arrival sa St. Camillus Hospital.

Gayunman, isa sa kanilang kasamahan na nakilalang si Hak Neung Kim, 59, ay nakaligtas sa insidente na kasaluku­yang nagpapagaling sa nabanggit na ospital.

Ayon sa report, kagagaling lang sa outdoor adventure ang mga biktima nang magdesisyong magtungo sa sauna room ng resort pasado alas-12:00 ng  gabi na umano’y mga lasing.

Bandang alas-3:00 ng madaling nang magcheck ang resort attendant sa mga guests ay natagpuan ang tatlo na walang malay na nakahandusay sa sahig ng sauna room.

vuukle comment

PATAY

SAUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with