^

Police Metro

Tigil-pasada ng Piston, tuloy hanggang miyerkules

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tigil-pasada ng Piston, tuloy hanggang miyerkules
Nagsagawa ang mga jeepney drivers ng protesta sa kahabaan ng Anonas sa ­Quezon City para sa unang araw ng 3 araw na tigil-pasada ng grupong PISTON.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magpapatuloy hanggang sa Miyerkules ang 3 araw na tigil-pasada na sinimulan kahapon ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga tsuper at Operators ­Nationwide (PISTON).

Ito ang sinabi ni ­Ka Mody­­ Floranda, Pangulo ng Piston, nang hindi nagustuhan ang pahayag­ sa kanila ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na pag-aaralan lamang nito  ang kanilang mga demands.

Anya, walang direktang sagot at balewala lamang ang ginawang pakikipag-usap nila kay Guadiz kahapon habang nasa pagkilos sa may Araneta Avenue kanto ng E Rodriguez Avenue dahil sinabing pag-aaralan lamang ng LTFRB ang demand nilang pagpapahinto ng deadline sa December 31 consolidation, pagbabalik sa limang taon ng kanilang prangkisa at pagbasura sa PUV mo­dernization.

Iniulat din nito na ngayong Martes ng ala-1:00 ng hapon ay magsusumite ang Piston ng formal documentation sa LTFRB para sa mga nailatag na demands sa ahensiya sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty Ariel Inton.

Dinagdag pa ni Floranda, na ayaw nila sa PUV modernization dahil ang mga malalaking negosyante lamang ang makikinabang dito. Inihalimbawa nito ang P2.8 milyong halaga ng aircon jeep na kailangan nila para makapag-operate ng pampasaherong sasakyan kung sasailalim sila sa modernization program.

Mas mainam anya na wala na ring consolidation upang mahawakan pa rin nila ang kanilang prangkisa na binayaran nila ng may ilang ­panahon mula sa LTFRB.

Ang pagkakaroon anya ng franchise ay nasa batas alinsunod sa RA 4136 o Transportation Law, samantalang ang Modernization program ay alinsunod lamang sa isang memorandum order ng Department of Transportation.

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with