^

Police Metro

Atty. Bernardo, inulan ng batikos ng PNP officers!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PARANG pumasok sa “lion’s den” si Atty. Alberto Bernardo, vice chairman ng National Police Commission sa ginanap na dialogue kasama ang promotable na 237 3rd level PNP officers noong Lunes. Nagngingitngit kasi ang PNP officers dahil sa sobrang tagal na nakabinbin ang kanilang promotions. Siyempre, lakas loob ang PNP officers na ilabas ang hinaing nila kay Bernardo. Panay naman salag ni Bernardo sa mga katanungan ng disgruntled PNP officers, na sa tingin ng mga kosa ko, wala nang tiwala sa kanya. Ang delayed promotions ng 3rd level PNP officers ang dahilan sa malawakang demoralization sa PNP at dapat kumilos si Pres. Bongbong Marcos dahil madali na silang ma-recruit sa destabilization.

Ginanap ang dialogue sa Multi-Purpose building ng PNP sa Camp Crame at sa simula ay pinanumpa ni Manila Rep. Benny Abante si Bernardo sa Bibliya. Matapos nito ay ipinakita ang video clips ng mga promotional folders sa Malacañang, sa Civil Service Commission at sa Napolcom. Ipinaliwanag ni Bernardo na ang action niya ay bunsod sa kanyang nakuhang datos sa Department of Budget and Management patungkol sa authorized strength ng PNP. Habang nagpapaliwanag si Bernardo, sinabi ng mga kosa ko na nag-iingay ang promotable officers dahil hindi katanggap-tanggap sa kanila ang mga sinasabi ng una. Parang a “voice in the wilderness” si Bernardo sa ginanap na dialogue, ‘no mga kosa?

Sa open forum, ang unang nagtanong ay si Col. Antonio Marallag, ang acting director ng Headquarters Support Service, na balisa dahil nakalagay sa screen na ang ageing ng folders sa Napolcom ay 115 at two days. Eh lampas-lampas na ang folder ni Marallag sa Napolcom subalit hindi pa ito napirmahan. Juicekopooooo! Binigay na halimbawa naman ang kaso ni Lt. Gen. Filmore Escobal na isang araw lang labas kaagad ang promotion folder niya, kaya naiwasan niyang ma-DQ sa kasunod na araw. May isang opisyal naman na dalawang araw lang labas din ang folder sa Napolcom. Umiiral din pala ang “palakasan system” sa Napolcom?

Inutusan ni Bernardo ang ibang mga kasamang directors na ipaliwanag kung bakit nanatiling nakabinbin ang promotions ng mga 3rd level PNP officers at isa sa kanila ang nagsalita na “may naka-leave daw sa kanilang opisyal.” Siyempre, sinalubong ng masigabong tawanan ng mga police officials ang paliwanag ni director. Dito na tumayo ang kababayan kong si Maj. Gen. Robert Rodriguez, ang hepe ng DPRM at tahasang sinabing hindi puwede ang ganyang katwiran. Sinalubong ito ng masigabong palakpakan ng mga kasamahan nyang opisyal.

Napatayo sa galit si outgoing PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sabay tanong kung bakit hindi s’ya kasama sa deliberations ni Bernardo sa DBM. Kasi nga, being the PNP chief, kasama din si Acorda sa Napolcom. Abayyyyy one-man army pala itong si Bernardo, no mga kosa? Mahaba pa ang balitaktakan ng dalawang kampo subalit sa kasamaang palad, hindi nagbunga ito ng magandang solution. Sa totoo lang, gumawa na ng manifesto ang 3rd level officers ng PNP para sibakin si Bernardo sa DILG at Napolcom dahil “midnight appointment” siya. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with