^

Police Metro

Smugglers at hoarders, isumbong!

Gemma Garcia - Pang-masa

Pangulong Marcos sa publiko

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayan ng Capiz na tulu­ngan ang pamahalaan na pangalagaan at bantayan ang local market mula sa smugglers at hoarders, na patuloy na nagmamanipula sa  presyo ng agricultural goods.

Binigyang diin ni Pa­ngulong Marcos ang pa­nga­ngailangan para sa pakikipagtulungan ng publiko at hinikayat ang mga ito na mag-report ng mga ma­anomalyang tran­saksyon.

“Mga kababayan, ga­ano man kalaki ang kanilang sindikato—tulad ng natimbog natin na smuggler sa pier ng Zam­boanga noong buwan ng Agosto—wala pong [binatbat] iyan sa nagka­kaisa nating lakas,” ayon sa Punong Eheku­tibo.

“Kaya kung may nala­laman po kayong sangkot sa mga ganitong transaksyon, huwag po kayong matakot na magsuplong,” dagdag na pahayag nito.

Tiniyak din ng Pangu­lo na ang kanyang administrasyon ay handang makipagtulungan sa mga mambabatas para a­myendahan ang  Republic Act No. 10845, o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, at magpataw ng matinding parusa sa mga salarin at kanilang kasabwat.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with