^

Police Metro

Panukalang batas para sa senior citizens na gusto pang magtrabaho, inihain sa Kamara

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara ng limang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas para mabigyan ng trabaho ang mga senior citizen na gusto pang magtrabaho.

Sa House Bill 8971 na inihain nina ACT-CIS Congressmen Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo, Edvic Yap, Benguet Cong. Eric Yap, at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo, oobligahin ang mga pribadong kumpanya o ahensya ng gobyerno na tumanggap ng senior citizen sa kanilang hanay.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Tulfo, “para ito sa mga medium to large businesses na may mga empleyado na 100 o higit pa”.

“Halimbawa kung may 100 empleyado ka, dapat may isang senior citizen doon. Kung 1,000 dapat sampu,” dagdag­ ng mambabatas.

Bibigyan naman ng mga incentives ang mga kumpanya na tatanggap ng mga senior citizen workers habang pag­mumultahin naman ang hindi sumunod.

Nauna nang isinulong ng grupo ang isa pang panukalang batas na mag-oobliga sa mga kumpanya, pribado man o gobyerno, na tumanggap ng mga persons with disability (PWD) na manggagawa.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with