^

Police Metro

BOC nakasamsam ng P30.86 bilyong smuggled goods

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinuri ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bien Rubio ang Intelligence Group (IG),Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at X-ray Inspection Project para sa kanilang “significant breakthrough” sa pagsugpo ng smuggling operations sa bansa na nagresulta sa pagkakumpiska ng may P30.86 bilyong halaga ng mga smuggled goods.

Sa kanyang congratulatory message sa isinagawang flag-raising ceremony kahapon, sinabi ni Rubio na ang natu­rang halaga ay nakakasakop lamang sa January 1 hanggang August 4, 2023, ngunit nalampasan na nito ng P6 bilyon ang halaga ng goods na nakumpiska noong 2022.

Binigyang-diin ng commissioner na ang “commitment” sa protekta ng mga borders ng intelligence group ay nagresulta sa “highest total amount” ng mga nakumpiskang goods sa nakalipas na limang taon.

Pinasalamatan naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy ang commissioner para sa komendasyon at tinukoy ang maraming sakripisyo ng mga babae at lalaki sa likod ng intelligence group.

Sinabi naman ni Director Verne Enciso ng CIIS na ang pagkilala ni Commissioner Rubio sa kanilang trabaho ay nagso-solidify sa kanilang dedikasyon sa pagtupad ng direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na protektahan ang mga borders ng bansa at paigti­ngin ang kampanya laban sa smuggling.

vuukle comment

SMUGGLED GOODS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with