^

Police Metro

Villafuerte dynasty sa Camarines Sur hinamon ng ex-Magdalo lider

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Determinadong tuldukan ang 40 taong dinastiya ng pamilya Villafuerte sa pulitika sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ito ang paghamon ng dating lider ng Magdalo at San Fernando, Camarines Sur Mayor Fermin Mabulo kay 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte sa gubernational face-off.

Kasabay nito, kinasahan ni Mabulo ang hamon ng boxing ni Villafuerte   na aniya’y mas makakabuti kung gagawing fundraising para sa kapakanan ng mga estudyanteng iskolar sa Camarines Sur.

“May nag-text nga sa akin at nanghahamon pa ng suntukan, nag-post din sa Facebook. Sasagutin na kita, Congressman Villafuerte, tinatanggap ko ang iyong hamon. Boxing? Let’s go! Sa isang kundisyon: gawin natin ito sa Jessie Robredo Coli­seum sa Naga City bilang fundraising event para sa kapakanan ng ating mga provincial scholars na tinanggal mo dahil hindi bumoto sa mga anak mo ang magulang at pamilya nila,” deklara ni Mabulo sa isang press briefing sa Quezon City na inorganisa sa tulong ng kaibigan nitong kongresista.

Sinabi ni Mabulo na nais niyang bagong brand ng liderato na ipraprayo­ridad ang pag-unlad ng lalawigan.

Si Rep.Villafuerte ay sinasabing tatakbong gobernador sa Camarines Sur sa midterm elections.

vuukle comment

CAMARINES SUR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with