^

Police Metro

Kamara balik sa F2F ops, pagkalipas ng 3 taon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taon ng pagsailalim ng bansa sa state of public emergency dulot ng matinding epekto ng pandemya sa COVID-19 ay balik na muli sa full face-to-face na operasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Lunes alinsunod sa ipinalabas na Memorandum Order ni House Speaker Martin Romualdez.

Magugunita na una nang tinanggal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang public emer­gency pagkaraan namang makahulagpos na ang bansa sa matinding epekto ng pandemya.

Sa kasagsagan ng COVID-19 ay limitado lamang ang mga mambabatas na dumadalo sa sesyon sa ple­naryo bilang pagtalima sa health protocols tulad ng social distancing habang ang iba pa ay via zoom. Ipi­natutupad ito maging sa mga pagdinig ng komite.

Base sa memorandum na inisyu ni Romualdez, ang sesyon sa plenaryo ay isasagawa ang full face-to-face.

Sa kabila nito, bukas pa rin ang liderato ng Kamara sa opsyon ng recording­ sa attendance ng mga mam­babatas sa sesyon at maging­ sa nominal voting sa pamamagitan ng mga cellphones at maging sa social media platforms.

Sa mga pagkakataon naman na imposible na magkaroon ng quorum sa attendance ng mga mambabatas ay maaaring isagawa ang sesyon sa pamamagitan ng electronic platforms.

Idinagdag pa dito na maaari rin ang livestreaming sa sesyon sa plenaryo sa pamamagitan ng opisyal na accounts ng Kamara.

Ipinag-utos din ni Romualdez na ang mga Committee meetings, kumperensiya at mga pagdinig ay  kailangan ding isagawa ng face-to-face.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with