^

Police Metro

2 Chinese nadakip sa pagdukot sa babaeng Chinese

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese national ang inaresto matapos umanong dukutin ang babaeng kapwa Chinese, kahapon ng umaga sa Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Xie Jing Long at kasama nitong si Sheng Likun.

Nailigtas naman ng mga otoridad ng biktimang si Zhong Jin Ming.

Sa report ng Police Region 4A, nakatanggap sila ng report mula sa isang residente na si Carlos Delaro, ng Barangay Malitlit ng nasabing lungsod.

Ayon kay Delaro, alas-10:00 ng umaga, nagulat na lamang siya nang makita ang biktima na gumagapang habang nakaposas ang mga kamay at humihingi ng tulong.

Mabilis namang hu­mi­ngi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang .45 kali­bre na baril na may 12 bala, P137,555, 3 mobile phones, at mga personal na kagamitan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dinukot ng mga suspek ang biktima sa parking lot sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, Parañaque City saka dinala sa Sta. Rosa City.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with