^

Police Metro

Lover ni misis, tigok sa mister na pulis

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang 51-anyos na lalaki matapos barilin ng isang pulis nang mahuling nasa ibabaw ng  kanyang misis sa loob ng isang kubo sa Brgy. Camagong, Cabusao, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Arlando Minsalan Sugay, balo, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Sumuko naman ang hindi pinangalanang suspek na nakatalaga sa Ragay Municipal Police Station.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, ala-1:54 ng madaling araw dahil sa malaking pagdududa na may ginagawang kababalaghan ang misis ay pinuntahan ng 43-anyos na pulis ang bahay ni Sugay.

Nagulat ang suspek nang pasukin ang kubo at nakita na nasa ibabaw ng kanyang asawa ang biktima.

Dahil sa matinding galit ay binunot ng pulis ang kanyang baril at pinutukan ang lover ng misis na agarang nasawi.

Hindi naman nito si­nak­tan ang kanyang 42-anyos na misis.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with