^

Police Metro

Opisina ng ACT-CIS,sinalakay ng mga ‘di kilalang lalaki

Mer Layson - Pang-masa
Opisina ng ACT-CIS,sinalakay ng mga �di kilalang lalaki
Makikita sa kuha ng CCTV sa labas ng opisina ng ACT-CIS partylist sa Quezon City ang isang nakaparadang jeep na lulan ng mga kalalakihan.

Hinahanap si Sen.Tulfo...

MANILA, Philippines — Sinalakay ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang opisina ng ACT-CIS partylist sa Quezon City, noong madaling araw ng Marso 9.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw nang biglang bumaba sa sinasakyang pampasaherong jeepney ang ilang kalalakihan sa harap ng opisina ng ACT- CIS Partylist Office sa Quezon City.

Base sa CCTV footage, dumating muna ang dalawang lalaking nakamotor at pinagkakatok ang gate ng opisina, subalit hindi sila pinagbuksan ng guwardiya. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang isang pampasaherong jeep lulan ang sandosenang mga kalalakihan na inabot ng halos isang oras sa labas ng opisa ng ACT-CIS at kinakatok ng malakas.

Ngunit dahil sa mataas ang gate at pader ay hindi na sila nakapasok kaya nagpasya na lamang na sumakay muli sila jeep. Isang araw bago ang nasabing insidente, may dumating na nagpakilalang mga pulis at tinatanong kung doon ang opisina ni Senador Raffy Tulfo na tinanong din kung sino-sinong ACT-CIS Congressman ang pumapasok sa nasabing opisina.

Kinaumagahan ng alas-10:00 ay isang lalaki naman ang napansin ng mga guwardiya ng ACT-CIS na kumukuha ng video sa mga tao at sasakyan na pumapasok at lumalabas ng opisina.

Pina-blotter na ng mga guwardiya ng ACT-CIS sa pinakamalapit na police station ang insidente. Inaalam pa kung sinu-sino ang mga kalalakihan na lumusob sa opisina ng ACT-CIS at ano ang pakay at kung sino ang nag-utos sa kanila.

vuukle comment

ACT-CIS PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with