^

Police Metro

Kamara, nagsagawa ng anti-terrorism drill

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kahandaan sa pakikipagtulungan ng law enforcement agencies sakaling magkaroon ng kahalintulad na pagbabanta ay nagsagawa ng anti-terrorism simulation drill ang secuirity contingent ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pinangunahan ni Retired PMGEN Napoleon C. Taas, ang Sgt.-At-Arms ng Kamara ang nabanggit na anti-terrorism simulation drill bilang pagpapanatili na rin ng kapayapaan sa loob ng Batasan Complex at matiyak ang kaligtasan ng mga mambabatas, ng mga empleyado gayundin ang mga panauhin nito.

Aniya, sa mga ganitong security exercise ay hindi lamang nahahasa kundi nasusubok ang kapabilidad, puwersa, ang inter-operability, at kasapatan ng kasanayan ng mga personnel na sangkot kundi ang mga armas at komunikasyong kailangan sa panahon ng mga pagbabanta.

Kabilang sa mga lumahok sa drill ang mga tauhan ng Legislative Security Bureau (LSB) na nasa ilalim ng Office of the Sergeant-at-Arms; personnel mula sa QCPD Crowd Disturbance Management and Police Security Protection Group ng Philippine National Police (PSPG-PNP), Joint Anti-Terror Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ang mga tauhan ng private security agency na nakatalaga sa Batasan Complex.

Sumama rin sa anti-terrorism drill ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), at mga medical personnel na nakatalaga sa Kamara.

 

vuukle comment

TERRORISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with