^

Police Metro

Pamilya, 5 todas sa road crash

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang humabol sa araw ng Undas ang limang miyembro ng pamilya na galing sa lamay matapos salpukin ng kotse ang kanilang sinasakyang tricycle, kamakalawa ng gabi sa national highway ng Barangay Sucsuquen, Piddig, Ilocos Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eduard Burgos, 41; anak na sina Eljay at Liam at mga biyenang sina Tranquilino at Zenaida Balino.

Ayon kay P/Lt. Rudy James Jacalne, Piddig police chief, papauwi na ang mga biktima sa Brgy. San Jose, Sarrat mula sa pakikipaglamay sa kamag- anak sa Piddig.

Nawalan ng kontrol si Jonathan Pacaro na driver ng itim na Toyota Vios nang mag-overtake sa sinusundang sasakyan at masalpok ang tricycle ng mga biktima.

Nabatid na total wrecked ang tricycle bunsod ng malakas na pagkakasalpok ng kotse. Lumilitaw na lasing si Pacaro na nasa kustodiya na ng pulisya at sasampahan ng patung-patong na kaso kabilang ang reckless imprudence resulting in multiple homicides, property damage at violation ng anti-drunk driving act.

vuukle comment

ROAD CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with