^

Police Metro

Kelot, 20 segundong sinaid ang long neck sa ‘laklak challenge’, todas

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buhay ang naging kapalit sa pagtanggap ng hamon ng isang 28-anyos na mister na bibigyan ng P20,000 kung mauubos niya ang isang long neck na alak, naganap sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.

Namatay habang nilalapatan ng lunas­ sa ospital ang biktimang si Richie Dumaloan, construction worker.

Ayon kay Northern Mindanao police spokesperson Maj. Joann Navarro, ang insidente ay naganap noong linggo ng alas-10:00 ng umaga sa Melvic Beach Resort, Barangay Looc.

Nabatid na hinamon ang biktima ng mga kasama sa inuman na “Laklak Challenge” na kapag inubos nito ang isang long neck na alak sa loob ng 20 segundo ay bibigyan siya P20,000 galing­ sa isang Winefredo Dayle, isang negos­yante sa Cebu na nagbabakasyon lang sa  Misamis Oriental.

Tinanggap ni Dumaloan ang hamon­ na gagawin niya dahil kailangan­ niya ng pera para sa kanyang ama na may sakit na kinaya naman sana ng bik­tima, subalit matapos maubos ang alak ay bigla na lang itong nawalan ng ulirat at dinala sa pinakamalapit na ospital bago inilipat sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City na kung saan namatay ito kahapon, alas-11:00 ng umaga.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with