Muay Thai instructor itinumba sa Las Piñas

MANILA, Philippines — Isang Muay Thai instructor ang agad nasawi matapos barilin sa ulo ng ‘di pa kilalang gunman sa Las Piñas City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni  Las Piñas Police chief P/Colonel Jaime Santos ang biktima na si Alvin Garcia, 36-anyos, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng St. Anne st. at Tramo Road, Zapote. Habang sakay ng motorsiklo ang biktima ay lumutang ang gunman at pinuntirya sa pagbaril sa kanyang ulo

Nahulog mula sa kanyang motorsiklo ang biktima at duguang bumulagta. Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang at pagkilanlan ng salarin.

Show comments