^

Police Metro

Free ride sa NLET-Cubao at NLET-PITX, umarangkada na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon ang libreng sakay ng pamahalaan na may rutang North Luzon Express Terminal-Araneta Center Cubao (NLET-Cubao) at NLET PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange) (Route 39).

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nagsisimula ang unang biyahe sa naturang ruta dakong ala-1:00 ng madaling araw at nagtatapos dakong alas-12:00 ng hatinggabi.

Para sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila sa pamamagitan ng NLET, tinitiyak ng ahensya ang maayos at sapat na bilang ng mga pampublikong sasakyan para sa maayos at ligtas na pagbiyahe ng bawat mananakay.

Siniguro rin nito na tuluy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ng libreng sakay sa EDSA Busway Carousel tuwing alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi.

Patuloy pa ring nagseserbisyo ang mga operator at driver sa mga ruta na kalahok sa programa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with