^

Police Metro

Quezon City government sinimulan na ang boosters shots sa mga health workers

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay sini­mulan na ang pagtuturok ng Quezon City government ng booster shots sa mga health workers upang mas mabigyan ng proteksiyon ang mga ito laban sa COVID-19.

Bagama’t sinertipikahan na ng Department of Health (DoH) na “low risk” ang QC dahil sa tagumpay nito laban sa pandemya at pagbaba ng positivity rate na sa ngayon ay nasa 3 percent na lang, sinabi ni Dr. Maria Lourdes Eleria, chief Vaccine Sites Coordinator, na ang mga booster shots ay ibibigay muna sa health workers at mga Iba pang frontliners para na rin sa kanilang proteksiyon laban sa virus.

Susunod na mabibig­yan aniya, ang mga senior citizens at mga tinatawag na may mga commorbidities.

Sinisiguro ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga ganitong mga kaparaanan upang maprotektahan ang lahat ng kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng booster shots.

Nasa 1,841,862 ang mga fully vaccinated na residente sa lungsod habang halos nasa 3,824,77 milyon na ang kabuuang bilang ng mga bakuna ang naiturok ng administrsyong Belmonte.

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with