^

Police Metro

4 Bokal naipasa ang P4.1 bilyong annual budget

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit apat lang ang dumalong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ay naipasa ang naka­binbing 2021 annual budget na P4,157,830,020 dahil sa pagpupursige ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez na anak ni Quezon Governor Danilo Suarez.

Una dito, binuo ng konseho kasama si Vice- Governor Samuel Nantes ang kapulungan bilang committee-as-a-whole noong umaga ng Sabado at makatanghali ay isinagawa ang special session. Bukod kay Suarez, dumalo din ang tatlo niyang kaalyado sa minority bloc na sina Bokal Alona Obispo, Yna Liwanag at Rhodora Tan.

Kaagad idinaos ng mga ito ang marathon committee hearing at special session matapos na ang walong Bokal na bumubuo ng majority bloc ay pinatawan ng 60- day suspension noong Nov. 11, ng Department of Interior and Local Government (DILG) base sa kautusan ng Office of the President kung saan nagsampa ng demandang abuse of authority, oppression at grave misconduct.

Ang ika-13 Bokal na si Reynan Arrogancia na kabilang din sa majority bloc ngunit di nakasama sa suspension ay hindi dumalo sa nasabing committee hearing at special session kung saan ipinasa din ang provincial annual investment plan para sa 2022 na nagkakahalaga ng P5,331,658,038 na siyang pagbabasehan sa proposed annual budget para sa susunod na taon.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with