^

Police Metro

Tuloy na ang pagpapadala ng Pinoy workers sa Israel — DOLE

Danilo Garcia - Pang-masa
Tuloy na ang pagpapadala ng Pinoy workers sa Israel � DOLE
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello na nangangailangan ang Israel ng care workers, at iba pang uri ng manggagawa makaraang buksan na ng naturang bansa ang kanilang borders dahil sa matagumpay na laban nila kontra sa COVID-19 at pagtatapos ng kaguluhan doon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tuluy-tuloy na ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Israel makaraang tanggalin na ang ‘deployment ban’ na ipinatupad noong Mayo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello na nangangailangan ang Israel ng care workers, at iba pang uri ng manggagawa makaraang buksan na ng naturang bansa ang kanilang borders dahil sa matagumpay na laban nila kontra sa COVID-19 at pagtatapos ng kaguluhan doon.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 208 caregiver contracts na ang naipadala sa Philippine Overseas Welfare Administration (OWWA) para mapirmahan na at maproseso at may 23 work visa na rin ang napunuan sa Israeli embassy habang nasa 90 visa application ang nakaumang.

Matatandaan na nitong Mayo, nagkasagupa ang Israel at puwersa ng Palestine na naglagay sa panganib sa mga overseas Filipino workers (OFWs) dahilan para suspendihin ang pagpapadala ng mga manggagawa.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with