^

Police Metro

Duterte humingi ng bakuna kay Chinese President Xi Jinping

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Humingi ako ng bakuna kontra COVID-19 kay Chinese President Xi Jinping.”

Ito ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumawag siya at nagkaroon ng phone conversation ni Xi at humingi siya ng bakuna na agad naman tumugon, subalit hindi nila napag-usapan ang tungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa Talk To The People, sinabi ng pangulo na ang tawag niya ay ginawa sa kasagsagan kung saan walang dumadating na bakuna at walang makuhang bakuna si Secretary Carlito Galvez Jr.

“Ito for public consumption na ito. Tumawag ako kay President Xi Jinping, sinabi ko kasi noong kasagsagan ng walang dumating, walang makapkap si Secretary (Carlito) Galvez (Jr.), sabi ko, ‘Mr. President (Xi), I would like to ask for your help until now Philippines is at a loss to get vaccines,” sumagot naman umano si Xi na “It’s okay we will help you”.sinabi pa ng pangulo.

Nanindigan din si Duterte sa kanyang naunang pahayag na may utang na loob ang Pilipinas sa China,subalit hindi naman umano ito “excuse para isakripisyo ng Pilipinas ang territorial waters nito.

Sinabi pa ni Duterte na sa ngayon ay mas makakabuti na obserbahan muna ng mga otoridad ang anumang magiging kilos ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

vuukle comment

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with