^

Police Metro

62% ng ayuda naibigay na sa NCR Plus areas

Mer Layson - Pang-masa
62% ng ayuda naibigay na sa NCR Plus areas
Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kabuuang 61.85% na ng P22.9 bilyong cash aid ang nai-distribute sa mga residente ng National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Halos 62% na ng inilaang cash aid fund ang naipamahagi na ng mga lokal na pamahalaan, para sa mga residenteng naapek­tuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas.

Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kabuuang 61.85% na ng P22.9 bilyong cash aid ang nai-distribute sa mga residente ng National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

“Sa P22.9B, nai-distribute na yung P14.1B o aabot na sa 61.85%,” ani Año.

Sa Metro Manila aniya, 68.51% nang kumpleto ang ECQ-fund disbursement.

Sinundan ito ng Laguna na may 65.76% completion na, Rizal na may 56.9%, Bulacan na may 53% at Cavite na may 47%.

Pinalawig na nila ang deadline sa cash aid distribution hanggang Mayo 15 ngunit one-time lamang ito, at hindi na muling palalawigin pa upang magkaroon pa ng sapat na oras ang mga LGUs na matugunan ang mga reklamo ng kanilang mga constituents hinggil sa cash aid.

Pinuri rin naman ni Año ang fast-tracking ng financial aid distribution ngunit binigyang-diin na pananagutin pa rin nila ang mga lokal na opisyal na magnanakaw ng pondo sa pamahalaan.

Aniya, ayaw ni Pang. Rodrigo Duterte na magbubulsa ang mga government officials ng anumang pera kaya’t mahigpit sila dito.

vuukle comment

AYUDA

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with