^

Police Metro

Pamimigay ng ayuda tatapusin bago ang May 15

Mer Layson - Pang-masa
Pamimigay ng ayuda tatapusin bago ang May 15
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa ngayon ay maayos ang pagsasagawa ng payout process para sa mga ku­walipikadong benepis­yaryo ng ayuda, partikular na sa National Capital Region (NCR).
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Bago ang itinakdang May 15 deadline ay naniniwala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na matatapos ng mga lokal na pamahalaan sa NCR Plus areas ang isinasagawang cash aid distribution para sa mga residenteng naapektuhan ng ipinairal na enhanced community quarantine (ECQ) nitong Marso 29 hanggang Abril 11.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa ngayon ay maayos ang pagsasagawa ng payout process para sa mga ku­walipikadong benepis­yaryo ng ayuda, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Inaasahan na rin aniya nila na posibleng bago matapos ang buwang ito ay makumpleto na ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residente ang ilang LGUs sa Metro Manila.

Iniulat ni Malaya na hanggang nitong Biyernes, ang distribution rate ay nasa 66.87% na, na nangangahulugan na nasa P7,471,426,000 na ng ayuda ang naipapamahagi.

Ayon kay Malaya, sa NCR pa lamang ay aabot na sa P11.172 bilyon ang budget na inilaan ng national government.

Una nang inaprubahan ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda na mula P1,000 kada indibiduwal o maximum na P4,000 kada pamilya, na naapektuhan ng ECQ na ipinairal sa NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal, dahil sa panibagong surge ng COVID-19.

vuukle comment

AYUDA

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with