^

Police Metro

2 bar sa Makati, ni-raid sa paglabag sa health protocols

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 60 hanggang 70 kostumer sa dalawang high end bar sa Makati ang tinikitan makaraang mahuling lu­malabag sa health protocols kahapon ng madaling araw.

Nabatid kay Lt. Exequiel Caluya, Deputy Sub Station Commander ng Poblacion Police Community Precinct na nakipag-ugnayan sa kanila ang Makati Public Safety Department na siyang lead unit bago nila isinagawa ang raid kahapon ng madaling araw.

Dalawang high end bar ang tinungo ng pulisya kung saan natuklasan ang hindi nasusunod na health protocols partikular ang physical distancing.

Hindi naman ikinulong ang mga kostumer na kanila lang tinikitan at kailangang magbayad ng P1,000 multa.

Hindi pa malinaw kung ipapasara o anong kaso ang  posibleng iharap sa dalawang ni-raid na bar.

vuukle comment

HEALTH PROTOCOLS

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with