^

Police Metro

Walang Pinoy na naaresto sa US Capitol protest

Gemma Garcia - Pang-masa
Walang Pinoy na naaresto sa US Capitol protest
Sa kabila nito, hindi naman naniniwala ang envoy na kabilang ang Filipino protestors sa pumasok sa mga tanggapan ng mga mambabatas sa Estados Unidos at sa opisina ni US House Speaker Nancy Pelosi.
AFP/Alex Edelman

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippines Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na wala pang naarestong  mga Pinoy na kabilang sa mga nag-protesta sa US Capitol noong nakaraang linggo.

Sinabi pa ni Romualdez na ang natitiyak niya ay may dalawa o tatlong Filipino ang sumama sa protesta na nakunan ng may hawak na parang walis tambo.

Sa kabila nito, hindi naman naniniwala ang envoy na kabilang ang Filipino protestors sa pumasok sa mga tanggapan ng mga mambabatas sa Estados Unidos at sa opisina ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Matatandaan na daan-daang protestors ang sumugod sa US Capitol noong nakaraang linggo para ma­pwersa ang mga mambabatas na bawiin ang pagkatalo ni President Donald Trump sa katatapos na eleksyon.

Ngayon ay naghigpit na umano ng seguridad ang US Capitol matapos ang nangyaring riot ng mga taga-suporta ni Trump.

vuukle comment

JOSE MANUEL ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with