^

Police Metro

10-19 anyos madaling mahawa ng bagong COVID-19 variant

Danilo Garcia - Pang-masa
10-19 anyos madaling mahawa ng bagong COVID-19 variant
Paliwanag ni Vergeire, kapag ang isang artikulo ay hindi pa tapos at wala pang pre-review ay hindi pa ito maikokonsi­derang official evidence bagama’t nagbibigay ito ng detalye at nagiging guidance kung paano pamamahalaan ang mga kaso sa bansa.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng babala ang technical working group, mga eksperto, pediatrician kaugnay sa ulat na nakita sa pag-aaral sa London na mabilis na kumalat ang variant na SARS-CoV 2 sa mga bata na edad 10 hanggang 19.

Pero, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, tulad ng sinasabi ng mga eksperto na kailangang maingat sa mga nababasang artikulo.

Paliwanag ni Vergeire, kapag ang isang artikulo ay hindi pa tapos at wala pang pre-review ay hindi pa ito maikokonsi­derang official evidence bagama’t nagbibigay ito ng detalye at nagiging guidance kung paano pamamahalaan ang mga kaso sa bansa.

Isa aniyang safeguard sa ngayon nang lumabas ang nasabing artikulo ay na-suspend na ang face to face classes ng mga bata kaya sa paglabas ng bagong ebidensya sa ibang bansa, tinitiyak ng DOH na maiiwasan pa rin kung saka-sakali ang ganitong sitwasyon.

Kung titignan umano ang mga kaso ay ang younger age groups dahil sa sila ang mga lumalabas at pumapasok sa trabaho bagama’t ang mga severe at critical ay mga older age groups.

Sinabi rin ni Vergeire na ngayong linggo mala­laman kung nakapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng virus sa paglabas ng swab tests ng mga pasahero na nagmula sa iba’t ibang bansa.

Bukod pa ito sa mga samples na kinuha sa mga nagpositibong pasyente nitong Nobyembre at Disyembre.

Kasalukuyang isinasailalim sa ‘genome sequen­cing’ ang mga samples sa Philippine Genome Center para malaman kung nandito na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.  

vuukle comment

MARIA ROSARIO VERGEIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with