^

Police Metro

Magpinsan na nangutya ng kapitbahay, pinatay

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang magpinsan na magsasaka matapos na sila ay pagbabarilin ng kapitbahay na isa ring magsasaka na kanilang kinukutya naganap kamakalawa sa Sitio Ilaya Barangay Bani, San Narciso, Quezon.

Ang magpinsan na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang sina Luis, 45 at Eduardo Aborde, 34.

Naaresto naman ang suspek sa isang follow-up operation na nakilalang si  Marlon Agad, 40, may asawa ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen, alas- 7:30 ng gabi ay nag-iinuman ang suspek at si Luis na nauwi sa mainitang pagtatalo matapos kutyain ng huli ang una na walang sariling lupa na sinasaka.

Napikon ang suspek hanggang sa bumunot ng baril at makailang beses na pinaputukan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Tinangkang umawat ni Eduardo, subalit tinamaan ito sa ulo ng ligaw na bala na  ikinamatay din nito.

Nahaharap sa kasong double murder ang suspek na nakapiit ngayon sa municipal jail.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with