^

Police Metro

Face-to-face classes ikakasa sa Enero

Gemma Garcia - Pang-masa
Face-to-face classes ikakasa sa Enero
Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.
AFP/Ted Aljibe

Sa piling eskuwelahan lang…

MANILA, Philippines — Tanging piling eskuwelahan sa mga lugar na nasa low-risk o mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 ang magdaraos ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang dry run ay imo-monitor ng  Department of Education (DepEd) at COVID-19 National Task Force.

Ang huling linggo naman ng Enero ay ilalaan sa pagsusumite ng reports hinggil sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at ebalwasyon para sa huling rekomendasyon kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Batay sa timeline na ibinigay ng DepEd, ang regional directors ay kailangan na magsumite kay Education Secretary Leo­nor Briones ng listahan ng mga “nominated schools on or before December 18.”

Pipili ang kalihim ng eskwelahan na isasailalim sa face-to-face classes sa Disyembrer 28, na susundan ng orientation, mobilization at readiness confirmation ng mga mapipiling eskuwelahan.

Sinabi ng Kalihim na may ilang rural areas ang nagpahayag ng interes sa pagsasagawa ng face-to-face classes.

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with