Pinsala ni Ofel umabot na sa P9 milyong
MANILA, Philippines — Inihayag ng Office of Civil Defense Region V na umabot na sa P9.1 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala ng bagyong Ofel.
Sa ulat ng Department of Agriculture Regional Office 5, tinatayang P9,120,315 ang unang naitalang pinsala mula sa Masbate at Sorsogon.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMOs) mayroong 29 katao ang inilikas.
Naiulat din ang mga pagbaha sa mga flood-prone area dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan.
Mula sa huling ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 5 dakong alas-7:00 ng gabi, naiulat ang pagguho ng lupa sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at Masbate.
Ayon sa Coast Guard District Bicol na balik-operasyon na ang lahat ng pantalan sa Bicol na kung saan ay naitala ang halos 300 indibidwal ang stranded sa mga pantalan dahil kay Ofel.
- Latest