^

Police Metro

100 contact tracers isasabak sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isasabak ang nasa 100 contact tracers ng Las Piñas City government sa susunod na linggo, bilang bahagi ng komprehensibo at tuluy-tuloy nilang pagtugon sa mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ay matapos ang lingguhang pulong tungkol sa anti-COVID-19 response efforts na isinasagawa sa lungsod sa pa­ngunguna ni Vice Mayor April Aguilar-Nery, mga doktor ng Las Piñas City Health Office (LPCHO) at kinatawan ng DILG-Las Piñas.

Ayon sa DILG-Las Piñas, nasa 100 contact tra­cers ang kanilang kinuha simula nang ilunsad ang hiring ng ahensya nitong Setyembre, na layuning mapabilis at mapaigting pa ang ginagawang pagtunton para sa mga suspected COVID-cases at sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

Ayon kay LPCHO chief, Dr. Ferdinand Eusebio, ide-deploy sa Oktubre 15 ang 100 contact tracers matapos silang sumalang sa training at nagdagdag na rin sila ng mga swabber na makatutuwang ng mga medical technologists.

Sa datos ng LPCHO, nasa 4,053 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, at nasa 3,662 na ang nakarekober sa virus kaya nasa 235 na lamang active cases habang 156 naman ang namatay sa sakit sa lungsod.

vuukle comment

CONTACT TRACER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with