4 tiklo sa mahigit P2 milyong shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mgs otoridad ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Brgy. Matandang Balara, Quezon City at Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.
Unang naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Batasan Police Station (PS 6) sina Maimona Tampipi, 41, ng Mindanao St., Maharlika Village, Taguig City; Alfar Kadil, 29, ng Brgy. Culiat, at Soraya Sali, 18, ng Pandi, Bulacan, sa isang buy-bust operation. alas-10:30 sa Luzon Avenue, Brgy. Matandang Balara, Quezon City at nakumpiska ang humigit kumulang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000 at isang itim na Toyota Avanza na may plakang VR 5656, na ginamit sa transaksiyon.
Naaresto rin ng mga tauhan ng PS-6 sa isang joint buy-bust operation, katuwang ang Rodriguez Municipal Police Station, ang suspek na si Caiser Laya Jr., 21, ng Brgy. Culiat, dakong alas-9:20 ng gabi sa Block 7, Lot 215, Phase 2, Green Breeze Subdivision, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Nakumpiska ng mga otoridad mula sa suspek ang humigit kumulang sa 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, isang cellular phone at buy-bust money.
Nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest