^

Police Metro

Bebot itinulak palabas ng kotse bago binaril,todas

Mer Layson - Pang-masa
Bebot itinulak palabas ng kotse bago binaril,todas
Batay sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Agham Road, tapat ng Philippine Children’s Hospital.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babae matapos itong itulak palabas ng kotse at pagbabarilin ng kasamang lalaki, naganap kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng biktima gayundin ng salarin sa krimen.

Batay sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Agham Road, tapat ng Philippine Children’s Hospital.

Sa salaysay ng testigong taxi driver, nakapila aniya siya sa northbound lane ng Agham Road sa tapat ng Philippine Children’s Hospital, nang maagaw ang kanyang pansin ng isang kotseng pula, na hindi naplakahan, na huminto sa kabilang lane.

Nakita niya na tila mayroong komosyon sa loob ng sasakyan hanggang sa nakarinig sila ng mga putok ng baril at ilang sandali ay nakita umano niyang itinulak ng lalaki ang biktima palabas ng sasakyan mula sa passenger side at saka bumaba ang isang lalaki at muling binaril ang biktima.

Narekober naman ng pulisya sa crime scene ang walong basyo ng kalibre .45 na baril.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with