^

Police Metro

20 miyembro ng LGBTQ+ dinampot sa rali

Danilo Garcia - Pang-masa
20 miyembro ng LGBTQ+ dinampot sa rali
Nakipagbalyahan ang mga miyembro ng LGBT+ mula sa grupong Bahaghari sa mga pulis sa isang rali kahapon sa Mendiola.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nasa 20 miyembro ng LGBTQ+group ang ina­resto ng mga otoridad dahil sa paglabag sa illegal assembly at kawalan ng permit para magsagawa ng programa o rally sa Mendiola kahapon ng tanghali.

Sinabi ni MPD Spokesperson P/Lt Col. Carlo Manuel Magno, nagtungo ang mga kapulisan ng District Mobile Force na nakatalaga sa lugar at MPS-PS 8 upang pakiusapan ang mga miyembro ng LGBT na umalis na dahil sa pinaiiral pa ring community quarantine.

Gayunman, isa sa miyembro ang nag-spray umano sa isang pulis kaya nagkaroon ng komosyon.

Ayon pa kay Magno, walang balak na arestuhin ang nasabing mga LGBT ngunit dahil sa hindi pagsunod sa pakiusap ng mga pulis bukod pa sa pag-spray sa isang tauhan ng MPD ay kaya sila dinampot at dinala sa headquarters.

Ayon naman kay Rey Valmores-Salinas, National Spokesperson ng Bahaghari, bagama’t wala silang permit ay maayos silang nagsagawa ng programa upang maglabas lamang ng mga saloobin at hinaing ngunit ginulo sila at inaresto.

Kakasuhan ng Illegal assembly at paglabag sa R.A 11332 o non cooperation during health crisis ang mga dinampot na dadalhin sa piskalya.

vuukle comment

LGBTQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with