^

Police Metro

Bahay natabunan: 2 bata patay!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalibing nang buhay ang isang magkapatid na kapwa menor-de- edad matapos na matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang tahanan sa Purok Durian, Brgy. Batangon, Digos City, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawing mga biktima na sina Ronnie Jay Laguna, 13 taong gulang at nakababata nitong kapatid na si Rochel Laguna, 10-anyos.

 Nilalapatan naman ng lunas ang 7-anyos na kapatid ng mga biktima na tinatawag nilang “Sangsang”, kanilang inang si Jean Aquil, 29, at stepfather na si Dommy Aquil, 31.

 Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi noong Huwebes habang mahimbing na natutulog ang pamilya Laguna nang mangyari ang landslide dulot ng malalakas na pag-ulan sa lugar na siyang nagpalambot ng lupa.

Narekober ng mga rumespondeng kapitbahay ng pamilya ang bangkay ng magkapatid dakong alas-2 ng umaga nitong Biyernes at nasawi rin ang alagang aso ng pamilya.

vuukle comment

BUNDOK

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with