^

Police Metro

Presyo ng gadgets pinababantayan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon naghahanda na sa online learning ang mga paaralan sa pagbubukas ng eskuwela, sa darating na Agosto ay sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat nang bantayan ang mga presyo ng iba’t ibang gadgets tulad ng laptop, tablet, pocket wifi, cell phone, personal computer at iba pang electronic device.

Sinabi ni Marcos na maraming mag-aaral ang posibleng maiwan o tuluyang hindi makapasok sa sinasabing virual o online learning na siyang ipapatupad ngayong pasukan dahil na rin sa kakapusan ng budget para sa nasabing online learning na isinusulong ng Department of Education (DepEd).

Iginiit ni Marcos na kung sobra-sobra sa mahal ang mga gadget na nabanggit ay paano makakayanang bumili ng mga magulang kaya dapat na ibaba ang pres­yo ng mga mobile at electronic devices o gadgets na gagamitin ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Anya, dapat tulungan ng gobyerno ang mga magulang at bantayan ang mga tiwaling negosyante na huwag samantalahin ang mataas na demand ng mobile at electronic device lalo na ngayong panahon ng COVID-19 dahil sa may kaukulang parusang nakatakda sa sobrang pagpapatong ng presyo sa kanilang paninda.

Nanawagan din ang senadora sa mga negosyante na mag-alok ng mga pautang sa mga estudyanteng  kapos sa kanilang budget at hikayating bumili ng mga se-cond hand mobile at electronic device.

vuukle comment

GADGETS

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with