^

Police Metro

64% ng mga Pinoy, sumusunod sa social distancing - SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa
64% ng mga Pinoy, sumusunod sa social distancing - SWS
Isinagawa ang SWS survey, nitong Mayo 4-10 sa pamamagitan ng mobile phone poll kung saan 4,010 respondents na edad 15 pataas ang nakiisa, ipinakita rin na 19% na porsyento ng mga Filipino ang sumusunod sa social distancing sa lahat ng pagkakataon habang 9 na porsyento naman ang paminsan-minsang sumusunod sa physical distancing.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ayon sa poll ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas kahapon na tinatayang nasa 64 na porsyento ng mga Pinoy ang sumusunod sa social distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang SWS survey, nitong Mayo 4-10 sa pamamagitan ng mobile phone poll kung saan 4,010 respondents na edad 15 pataas ang nakiisa, ipinakita rin na 19% na porsyento ng mga Filipino ang sumusunod sa social distancing sa lahat ng pagkakataon habang 9 na porsyento naman ang paminsan-minsang sumusunod sa physical distancing.

Ipinapakita rin na 6 na porsyento ng mga Pinoy ang bihira sumunod sa social distancing habang 0.5 na porsyento naman ang hindi sumusunod rito.

Naitala sa Visayas na 69 na porsyento ang may pinakamaraming sumusunod sa social distancing; sinundan ito ng National Capital Region sa 67 na porsyento habang 64 na porsyento naman ang sa Minda­nao. Pinakamamaba ang naitala sa Balance Luzon sa 60 na porsyento.      

vuukle comment

SOCIAL DISTANCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with