^

Police Metro

2 ‘most wanted sa Maynila nasakote

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang Top 6 at Top 8 Most Wanted Persons sa Pandacan, Maynila sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng pulisya, kamakalawa.

Sa ulat ng Pandacan Police, alas-8:00 ng gabi nang maaresto sa may Block 199, Lot 2 Sampaloc Street, Brgy. Pembo, Makati City si Paulo Salem, 25, jobless, at residente ng Kahilum 2, Brgy. 859, Pandacan, Maynila.

Si Salem ang ika-8 most wanted sa Pandacan at nahaharap sa kasong robbery sa Malolos, Bulacan Regional Trial Court Branch 18. Natukoy ang kanyang pinagtataguan sa Makati City ng mga tauhan ng Manila Intelligence Section.

Alas-5:20 ng hapon nitong nakaraang Miyerkules naman nang madakip sa may C. Romualdez Street sa Ermita ang Top 6 Most Wanted na si Adrian Ofqueria, 37, ng B. Jesus Street, Pandacan, Maynila
nang ihain sa kanya ang warrant of arrest sa iba’t ibang kasong kriminal na kinakaharap niya sa Manila RTC Branch 12.

vuukle comment

MOST WANTED PERSONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with