^

Police Metro

Balik-Probinsya Program hindi sapilitan-Go

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines —Hindi magiging sapilitan ang pagpapatupad ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Ito ang nilinaw ni Senador Bong Go na kung sino lang ang gustong bumalik sa mga lalawigan ay siya lamang tutulungan ng gobyerno  na makabalik sa kanilang  mga probinsya.

Ayon sa Senador hindi naman maaaring sapilitang pauwiin sa probinsya ang mga ayaw at may trabaho sa Metro Manila.

Kinumpirma rin ni Go na nagkaroon na ng mga pagpupulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG officials at iba pang Departamento para makabuo ng Executive Order na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang din dito ang pagbuo ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na siyang ma­ngangasiwa sa implementasyon ng programa.

Nanindigan  ang Senador  na makakatulong sa mas mabilis at mas maayos na paghahatid ng gobyerno ng assistance sa mga mamamayan ang Balik Probinsya program.

Sinabi ni Go na naging isyu sa pagbibigay ng Social Amelioration Program ang paghihiwa-hiwalay ng mga magpapamilya kung saan ang ibang miyembro ng pamil­ya ay nasa probinsya habang ang iba naman ay nasa Metro Manila.

Inihain naman ni Bohol 3rd District Rep.Alexis Besas Tutor  ang House Bill 6674 ang Balik Probinsya Bill upang susugan ang Executive Order (EO) 114 o ang Balik Probinsya Program ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng paghikayat sa mahihirap na pamilya sa metropolis na magsibalik na sa pamumuhay sa kanilang mga probinsya.

Sinabi ni Tutor sa pamamagitan ng Executive Order ng punong ehekutibo ay malaki ang tsansa na maisabatas ang  HB 6674. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with