^

Police Metro

4 ginang tiklo sa P6.8 milyon shabu sa makati

Ludy Bermudo, Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na babaeng magkakamag-anak sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Agatha Caray Y Oliveira, 45; Mary Grace Caray Y Oliveira, 41; Abegail Calvez Y Caray, 37; at Jovy Linares Y Ribaja, 37, pawang residente ng no. 2897 H. Santos, Brgy., Tejeros, Makati City.

Sa ulat, alas 2:00 ng hapon noong Miyerkules nang isagawa ang operas­yon sa loob ng bahay ng  mga suspek matapos magpositibo sa isinagawang surveillance operation na nagbebenta ang mga ito ng shabu.

Isa sa operatiba ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nagtungo sa nasabing bahay para pick-apin ang binibiling P1,400,000.00 na shabu.

Nang makuha na ang droga na nakasilid sa isang package na nababalutan ng brown packaging tape ay agad nang nagbigay ng go signal sa mga nakaantabay na mga operatiba.

Nang pasukin ang bahay ng mga suspek, nakakum­piska pa sila ng pinagsamsamang plastic sachet ng shabu na may kabuuang humigit-kumulang isang kilo na may street value na P6,800,000.00.

Narekober din sa mga suspek ang marked money na naglalaman ng isang authentic P1,000 bill at boodle money na may kabuuang P1,400,000.00; isang pink na shoulder bag na pinaglagyan ng naku­mpiskang shabu, 2 cellphone na gamit sa transaksiyon ng mga suspek sa poseur-buyer.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with