^

Police Metro

Sa pagbubukas ng POGOs 300,000 Chinese posibleng maging transmitter ng COVID

Joy Cantos - Pang-masa
Sa pagbubukas ng POGOs 300,000 Chinese posibleng maging transmitter ng COVID
“Whether may ECQ o wala, I am against POGOs, I don’t believe in gaming or gambling. I think the damage to property to morality to society is worse than that,” pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Mariing tinututulan ng mga mambabatas ang pagbabalik operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa pinangangambahan na posibleng maging transmitter ng coronavirus disease ang may 300,000 Chinese na inaasahang magbabalik trabaho sa bansa sa kasagsagan ng general community quarantine (GCQ) at enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Whether may ECQ o wala, I am against POGOs, I don’t believe in gaming or gambling. I think the damage to property to morality to society is worse than that,” pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“It is tantamount to allowing more than 300,000 Chinese POGO workers to return to work and possibly become COVID-19 transmitters. Nakakalito, at medyo parang biased in favor of POGOs ang kanilang policy na payagan ang higit sa 300,000 na Chinese workers na maka­balik sa kanilang trabaho samantalang milyun-mil­yong mahirap na Filipino workers ang nahinto sa trabaho at pilit na sumusunod sa patakaran ng IATF,” punto naman ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers na chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

Una nang inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pinapayagan na ang bahagyang operasyon ng POGOs base sa rekomendasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil ikinokonsidera itong “business process outsour­cing” (BPOs) o call centers.

Giit ni Barbers, sa ila­lim ng Resolution No. 30 ay pinalawig ang ECQ sa NCR, Central Luzon at Calabarzon at anim pang lalawigan at lungsod pero pinayagan na ang panunumbalik muli ng ope­rasyon ng POGOs na may mahigit 300,000 Chinese workers na mayorya ay nakabase sa Metro Manila.

“The problem here is that under Category 4 of the IATF’s Resolution No. 30 signed by President Duterte last April 30, the sectors that are not allowed to operate, whether under ECQ or GCQ guidelines, includes gambling and betting activities,” ani Barbers.

Binigyang diin ni Barbers na hindi magandang ehemplo para sa IATF na paboran ang POGOs habang ang mga Pinoy daily wage earners na marangal ang hanapbuhay ay hindi pinahihintulutan gayong sumusunod sila sa ECQ at GCQ rules. Isang bukas na sikreto rin aniya na ang mga POGO outlets ay siksikan sa mga bahay, hotels at condominium at hindi sila sumusunod sa social distancing.

May isyu rin umano sa seguridad ang mga POGOs, hindi nagbabayad ng mahigit P50 billion fees at taxes, walang BIR identification numbers at sangkot din sa smuggling ng US$150 milyon na umano’y para sa money laundering, drug trafficking at iba pang mga illegal na aktibidades.

Hinihinala naman ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ang pagbubukas muli ng POGOs ay bunga ng paglo-lobby ng ilang maiimplu­wensyang pulitiko sa bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with