^

Police Metro

6 ospital tumangging isalba ang buhay ng bagong panganak na ginang, iimbestigahan

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang paim­bestigahan ni 2nd District Quezon City Rep. Alfred Vargas ang anim na ospital na tumangging isalba ang buhay ng isang dinudugong bagong panganak na ginang na taga-Caloocan City na nasawi sa insidente noong nakalipas na Biyernes ng gabi.

“Anuman ang paliwanag ng anim na ospital, walang doktor na tumingin kay Katherine Bulatao. Agaw buhay siya pero di siya nakakuha ng atensyon medikal. Yan ang katotohanan!” pahayag ni Vargas na ikinadismaya ang insidente kung saan nawalan ng ina ang bagong silang na sanggol na si Baby Katherine Jean matapos na bawian ng buhay ang ginang sanhi ng pagkaubos ng dugo.

Nabatid na ang ginang ay nanganak ng isang sanggol na babae sa tulong ng isang hilot sa kanilang lugar sa Caloocan City, pero naiwan ang inunan nito sa kaniyang sinapupunan kung kaya dinudugo at kinailangan itong isugod sa hospital.

Sa tulong ng barangay ay isinakay sa behikulo ang ginang kung saan naghanap ang mga ito ng hospital mula Caloocan hanggang Bulacan habang dinudugo at isa sa mga ospital ay tumangging gamutin ang ginang dahilan walang pang-down na P30,000 ang mister nito habang ang iba ay puno na umano ng pasyente, walang nakareserbang dugo at ang iba naman ay may mga kaso umano ng COVID 19.

Kaugnay nito, magsasagawa na rin ng im­bestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkasawi ni Bulatao.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inatasan na niya ang NBI nitong Abril 25 na siyasatin ang kaso ni Bulatao at binigyan nito ng 10 araw ang NBI para makapagpalabas ng ulat ukol sa kaso at mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng ginang.

Related video:

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with