^

Police Metro

Basurero, janitor atbp. ituring din na frontliners

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senador Imee Marcos sa gobyerno na ituring din bilang frontliners tulad ng mga medical staff ang mga basurero, street sweeper, janitor at iba pang manggagawa na katuwang sa paglilinis ng mga komunidad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, dapat ding masiguro ng pamahalaan na mabibigyan ng suportang pinansyal ang mga sanitation workers na may ma­laking ginagampanan at naitutulong sa mga ospital, tanggapan ng pamahalaan, condominium, supermarket at iba pang mga establisimyento para laba­nan ang nakahahawang sakit dahil buwis-buhay rin ang kanilang ginagawang trabaho.

Tinataya ni Marcos, na posibleng tumagal pa ang pinatutupad ng pamahalaan na lockdown sa buong Luzon, kaya inihain nito ang Senate Bill 1414 para masiguro ang proteksyon ng mga frontliners pati na rin ng mga ordinaryong manggagawang mawawalan ng kikitain dahil sa krisis dulot ng COVID-19.

Sa ilalim ng nasabing panukala, palalawigin ang P200 bil­yong emergency budget hanggang P750 bilyon na nakalaan sa isang programang tinawag ni Marcos na “Pag-ASA: Alaga, Sustento, Angat”.

Maisasakatuparan umano ang layunin ng nasabing programang Pag-ASA gamit ang iba pang nakatagong pondo sa mga ahensya ng gobyerno at mga pautang sa bangko.

vuukle comment

FRONTLINERS

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with